ayos ng salít , salít na pahalang at patayông linya tulad ng estruktura ng net
2:
komplikadong sistema ng riles, kanal, at iba pa
3:
pangkat ng mga tao na nagpapalitan ng impormasyon at karanasan para sa layuning pampropesyon at panlipunan
4:
kadena ng mga magkakabit na computer, mákiná, o anumang operasyon
5:
sistema ng nagkakabit na konduktor na elektriko
6:
pangkat ng mga estasyon sa ugnayang pangmadla tulad ng radyo at telebisyon
social secretary (só•syal sek•re•tá•ri)
:
tao na nagsasaayos ng mga panlipunang gawain ng isang tao o organisasyon
social climber (só•syal kláy•mer)
:
tao na nagpupumilit o nag-hahangad na mapabílang sa higit na mataas na katayuang panlipunan
social work (só•syal work)
:
organisadong gawain para sa pag-papabuti ng kalagayang panlipunan, gaya ng pagbibigay ng benepisyo sa mga nangangailangan
social contract (só•syal kón•trakt)
:
teoretikong batayan sa de-mokratikong estado, na may kasun-duan ang mamamayan at ang pamahalaan upang magtulungan para sa panlipunang benepisyo
social conscience (só•syal kón•syens)
:
pag-iisip o pagtingin na may responsabilidad ang tao sa mga suliranin at kawalan ng katarungan sa lipunan
social science (só•syal sá•yans)
:
agham panlipunan
social order (só•syal ór•der)
:
kaayusang panlipunan
social worker (só•syal wór•ker)
:
tao na may kasanayáng propesyonal sa pagsasagawâ ng social work
social realism (só•syal re•ya•líz•em)
:
uri ng realismo na tahasang pumupuna sa umiiral sa kaayusang panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan, hábang isinusulong o ipinagdiriwang ang karapatan ng mga manggagawà at ibang nása mababàng uri ng lipunan